Biyernes, Hunyo 6, 2014

Tanaga at Haiku

TANAGA AT HAIKU
Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral agimas at payak na pilosopiyangginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod. Katumbas nito ang haiku ng mga Hapones.
Ang tanaga ay isang tulang Tagalog na palasak na bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay may mataas na uri. Binubuo ito ng apat na taludturan na may pituhang pantig. Ang tanaga ay nahahawig sa haiku at muling naging palasak ang tanaga noong panahon ng Hapon. Ang tanaga ay itinuturing na malayang tula at sagana sa talinghaga.

Halimbawa ng Tanaga:

Totoong sinungaling,
At talagang malihim,
Pipi kung kausapin,
Walang kibo’y matabil,
Ang isa sa kaaway,
Na marami ang bilang,
Ang iyong pangilangan,
Ayan... katabi mo lang!


-- Ildefonso Santos



Ang HAIKU ay isang uri ng tula na may lima - pito- lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod. Narito ang aking mga ginawang haiku in Tagalog na ginawa na ring may tugma sa huling bahagi ng mga salita.
Halimbawa ng Haiku:
1
Baliw sa haiku
Tuloy lang sa pagbuo
Hanggang maluko.
2
Gabing madilim,
Kulay ay inilihim,
Kundi ang itim.

3
Masamang tao
Darating ang wakas mo
Sa impiyerno.

4
Magdasal ngayon
Sa ating PANGINOON
Upang maglaon.

5
PANGINOON ko
Patawarin mo ako
Ako’y iwasto.




11 komento: