Linggo, Hunyo 8, 2014

Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto

Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto
Isang Alamat mula sa Lungsod ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga
Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya angpinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya’t siya ang
ginawang puno ng matatandang pantas. 

Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik. Maibigin
sila sa kapwa at  may takot sila sa kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos
sila ng cañao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon,
ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. 

Kung nagdaraos sila ng cañao ay naghahanda sila linggo-linggo. Pumapatay
sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.

Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya
lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang
landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap
ngunit ang ibong ito ay kakaiba.

Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa
gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla
siyang napatigil.

Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago
lumipad. Matagal na natigilan si Kunto. Bagamat siya’y malakas at matapang,
sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng
kaniyang nakita.

Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso. Siya’y bumalik sa
nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Sabi ng isang matanda,“Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin nadapat tayong magdaos ng cañao.”

“Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto.

Ipinagbigay-alam sa lahat  ang cañao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay
kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang
mga babae naman  ay naghanda ng masasarap na pagkain.

Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy.
Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang
galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. 

Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng
isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay-lupa na sa katandaan
at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan.
Nanlaki angmga mata  sa kanilang nakita. Natakot sila. 

Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika ng ganito: “Mga anak,magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loobsa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay
sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.”


“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloyninyo ang inyong cañao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sapook na ito.

Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay
hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at
sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”

Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda. Ipinagpatuloy nilaang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook napinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ngmatanda, nakita nila ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito saliwanag ng araw—lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitangdahon.

Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahanglumapit sa punongkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay
nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo  ang tuwa sa mga tao.Bawat isa ay pumitas ng dahon.

Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang datinilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.Ang punongkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulonito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.

Isang araw, sabi ng isang mamamayan, “Kay taas-taas na at hindi na natin
maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin
na natin ang mga sanga  at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng
mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang  puno at binungkal ang lupa upang
lumuwag ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal  ang punongkahoy  ay
kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubod-lakas at parang pinagsaklob
ang lupa at langit.

Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar nakinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan
ng gantimpala sa inyong kabutihan: ang punong-ginto, upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan, kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking
ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyongnanaisin ang gintong iyan.”

At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno
ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nakukuha lamang ang

ginto sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

64 (na) komento:

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ilahad ang pagkasunod sunod at pagkakaugnay ugnay ng mga pangyayari sa alamat

      Burahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  3. sana bigyan nyo nang buod ng kwento

    TumugonBurahin
  4. maganda ung kwento nya pero may kulang

    TumugonBurahin
  5. maganda ung kwento nya pero may kulang

    TumugonBurahin
  6. Mga Tugon
    1. Ano ba ang kanilang mga kultura?

      Burahin
    2. ano ba ang mahalagang pangyayari sa kuwentong yan? at kapani-paniwalang pangyayari sa kuwento at di kapni-paniwalang pangyayari sa kuwentong iyan?

      Burahin
  7. Mga Tugon
    1. wag suwayin ang mga iniutos saiyo kung ayaw mong sa huli ay magsisi ka

      Burahin
  8. Anong sagot dito
    Anu ano ang positibo at negatibo nilang pag uugali,kilos at pananaw

    TumugonBurahin
  9. ano ang katangian ni kunto bilang pinuno?

    TumugonBurahin
  10. ano ang katangian ni kunto bilang pinuno?

    TumugonBurahin
  11. Salamat po dahil may natutunan ako sa kwentong ito

    TumugonBurahin
  12. Salamat po dahil may natutunan ako sa kwentong ito

    TumugonBurahin
  13. Ano ang mga tungalian,kasukdulan at wakas sa kwentong yan? haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Anu ang tunggalian at kasukdulan sa kwenyong ito

      Burahin
    2. Anu ang tunggalian at kasukdulan sa kwento ito

      Burahin
  14. ano ang makatutuhanan at di makatutuhana sa kuwento

    TumugonBurahin
  15. ano ang tradisyon ng mga igorot sa bagyo?

    TumugonBurahin
  16. Ano ba ang mga mahalagang pangyayari sa kwunto

    TumugonBurahin
  17. Ano ang kasing kahulugan at kasing kasalungat ng kwento

    TumugonBurahin
  18. Ano ang pang abay na panlunan sa kwetong yan?

    TumugonBurahin
  19. ANO ang mga kulturang nabamggit dito

    TumugonBurahin
  20. Aking nagustuhan ang kuwento
    Maraming salamat po...

    TumugonBurahin
  21. Aking nagustuhan ang kuwento
    Maraming salamat po...

    TumugonBurahin
  22. Sino Ang pangunahing tauhan sa alamat

    TumugonBurahin
  23. ano ang naging sumpa ng matandang lalaki sa mga taong naghahangad ng ginto?

    TumugonBurahin
  24. paano naganap ang kwentong kung bakit nasa ilalim ng lupa ang ginto?

    TumugonBurahin
  25. bakit anong rason ang kwentong kung bakit nasa ilali ng lupa ang ginto

    TumugonBurahin